![]() |
photo from google.com |
Naalala ko tuloy nung kami ang gumagawa ng ganito Sabi ng nung ka-group mate ko “Pawe araw – araw nalang tayong ganito ah, ano ba plano natin bukas? Pede ba ibahin naman natin? Wala tayong nagagawa eh........ Kumain naman tayo habang nag titinginan nakakagutom eh.” May punto sya. Masarap nga namang kumain.
Kinabukasan nakalatag sa papag ang mga libro, notes at floor
plan, syempre mawawala ba ang chicha???
Nova, Mr. Chips, Cloud 9, Lala, Isang Litro ng RC, Manggang hilaw, Santol at walang kamatayang
pancit canton Hot and Spicy (HOT and
SPICY Wow. Ang init na nga ng panahon hot and spicy pa ang pinili ng mga
bwakang kumag nato… syet ……..at santol??? Namaaaaaan….) Nagkakahiyaan pa “O guys panibagong araw na to ha, dapat let’s
start strong…. Focus na tayo guys, Focus…..” Sabi ng Tropa kong kumag.. Focus
ka jan kaya pala inuna mong upakan yung santol. ….
At ng nabusog na? “Bukas
nalang natin tong gawin? Nakakatamad na eh Tsaka Slam Dunk na.” Anak ng tipaklong inuna nyo pa si Sakuragi,
bakit matutulungan ba nya tayong mag cost and estimate??? Syet naman......
Warning: Falling Debris Student’s Thesis under Construction.
Ilang linggong pag bubuno at pag pupuyat kahit paano may
nasimulan naman, ang problema pano tatapusin. Kanya kanyang toka, may taga
type, taga compute ng problem, taga research, taga layout at taga luto ng
pancit canton (hot and spicy). Madalas problema ay Pera magastos kasi ang pag
gawa ng Thesis, Kaka computer , pag papa print, pag papa Xerox, pang panood ng
sine at iba pang materyales. Sabi nga ng ka grupo ko
“Sabi ng Nanay ko
malapit na daw nyang maging kamuka si
ninoy ng Limandaang Piso sa paningin ko. Sabi ko naman sa kanya…. Di naman Nay,
para ngang mas gusto ko pang maging kamuka mo si Tandang Sora ng Isang Libo…..
Binatukan ba naman ako ayun tuloy Manuel Roxas lang ang nakuha ko.” Eh Ogag pala sya eh sino ba naman ang gustong
mag mukang Tandang Sora???..
Minsan ginagawan nalang ng diskarte ang ilang bagay para
makatipid gaya ng bibisita sa dating kaklase nung High School syempre yung may
Computer at Printer, Konting chika chika, Konting Bola pag okay na… “Uy bago ba
yang Computer at Printer nyo? Ngayon ko lang nakita yan…” “Hindi matagal na yan
ano ka ba.” “ahhh.. Uy alam mo may thesis kami ngayon…. medyo nahihirapan nga
kami kasi yung mga ka grupo ko walang computer then walang printer tapos
malapit na yung deadline. Grabeeee alam mo ba
cramming na nga kami ngayon eh tapos di pa namin matapos tapos.. Uhmmmm
nakakahiya pero pede bang pa gamit?” … …..
ANG GUSTO MONG MARINIG
-> “Sige walang problema, wala namang gumagamit nyan eh. Pede nyong
gamitin yan ng Tatlong Bwan tapos madaming Coupon Bond dyan. Mag print kayo ng
mag print kung kelan nyo gusto one to sawa
sabihin nyo lang sakin pag naubos na at sasabihin ko kila papa bumili
nalang ulit J…
”
ANG AYAW MONG
MADINIG… -> “Naku pasensya na ha kasi
sira yung keyboard eh hindi gumagana yung letter A, yung letter O, yung letter
U, letter I, at letter E… di pa kasi namin napapalitan eh. Pasensya na.”…….
Naku naman teh lumang tugtugin na yan bakit di mo pa sinabi lahat ng letra sa
Pilipino Alphabet? Bakit puros Vowels lang ang sinabi mo? E di sana naregaluhan
pa kita ng keyboard galing sa CDR King.
Hard Hat's Area:
Kung wala na talagang pang Internet dahil sa hirap ng buhay
at kahit na may mga Computer Shop na mga tig ki-kinse lang per oras sa likod ng
skul kailangan mo paring gumawa ng diskats pag dating sa pag re-research…..
”
P15 ay P15 parin pambili na rin yan ng pancit canton (hot and spicy).” Sabi ng ka grupo ko “Ganito nalang ang gawin
natin. Ikaw, pumunta ka sa National Library. Ikaw, di ba may nanay ka sa DPWH?
Baka naman pedeng makahiram ang emats mo ng mga libro sa mga Engineers dun
tapos baka pede narin tayo paturo?” ..
Anak ng tokwa parang ganun kadali sa
isip isip ko para tuloy gusto ko ng iumpog ang ulo ko sa pader nung marinig ko
yun… kapal muks na ata ang labas namin nun kung lahat kami pupunta ng
DPWH para
lang tumitig at tumunganga habang may Good Samaritan na Engineer na mag tu-tutor
samin tungkol sa ginagawa naming thesis. Heavy man, heavy. …..
DPWH - Hindi na namin tinuloy ang pag papa-tutor kasi na
isip nila na nakakahiya nga naman. Hindi naman namin ka close ang mga Engineers
dun at pagdating namin lahat sila Busy Busy-han. Although pinakilala kami ng
nanay ng tropa namin sa mga Inhinyero Civil duon pero kahit mababait at
hospitable sila umurong ang dila naming mag salita. Pero may Happy Ending din
naman kasi may nahiram kaming mga libro at few resources para sa thesis. At ang
matindi??? Libreng pa- XEROX men hehehehhe wag lang maingay kasi bawal hahahha…
at pumayag din ang emats ng ka grupo namin na mag type ng ilang kailangan
naming i-type. Salamat po ma’am kahit hindi kayo nag babasa ng Blog na ito
ipinaabot ko po sa inyo ang taos pusong pasasalamat sa pag tulong. (Hindi ko na babanggitin ang pangalan ng
kagalang galang na ginang sapagkat nais kong protektahan ang pangalan ng mga
karakter sa walang kwentang istorya na to. Bawal kasing gamitin ang Xerox
machine for personal use)
Hindi naman
talaga kami nag punta sa Construction site. Kung bakit Hard Hat's Area ang
kategorya nito…yun eh dahil sa gusto na naming iumpog ang mga ulo namin sa
haligi ng TUP sa hirap at lufet na naramdaman namin sa lintek na Thesis..
Ngapala nuon sa pag se save ng file dati gumagamit pa kami
ng diskette. Sa mga estudyante ngayon ang diskette ay parang isang Relic na at
tanging sa Musuem nyo nalang makikita. Para sa hindi nakakaalam kung anong
itsura nun… Ito yon:
![]() |
photo from google.com
at ito ang isa pang klase ng diskette na extra slim:
|
![]() |
photo from google.com
At dahil RELIC na ganito na ang nangyari sa diskette ngayon:
|
![]() |
photo from google.com |
Meeting the Deadline…… We wanna eat… BrAaaaiiiinnnnnsssss…..
Sa gabi gabing pag pupuyat at pag iisip parang na paralyze
na ata ang mga katawan at utak namin. Zombified TUPians na kami pag dating ng
umaga. Nag sisilakihang Eye Bags at sinto sintong pag lalakad papasok sa
school. Minsan may goli, minsan talo talo na yan… ang umamoy giba ….
May mga Iba’t – ibang klase ng estudyante pag dating sa paggawa ng thesis. Kung grupo
kayo may iba’t – ibang klase din.
·
THE MANAGER – Ito yung taong puros salita lang
at walang naitutulong. Yung tipong akala nya madami syang alam…. Akala nya lang
yun….. Utos dito at Utos duon. Hindi naman gumagalaw. Minsan ito ang taong
masarap hampasin ng Hard Hat at ng Theodolite.
·
THE COOK – Oo tama kayo taga luto ng Pancit
Canton (Hot and Spicy) , taga hain, taga bili ng chicha at taga ligpit ng mga
kalat pag meeting adjourn na kayo. Minsan sila ang host dahil sa kanilang bahay
ginagawa ang thesis.
·
THE
SECRETARY – Madalas sya ang nakatoka sa pag ta-type, namomroblema at mag sasabi
sayo na dapat ipa print nyo na ang mga natapos na nyang i-type. Madalas din sya
ang tumatakbo para mag pa print at nag
so-sort out ng files. Bihasa sa Microsoft Excel at Microsoft Word. Sya din ang
magaling sa Ingles (most of the time) dahil sya ang taga construct ng
Paragraph.
·
THE ARCHITECT – Taga drawing ng plano at taga
plot ng drafted na drawing sa autocadd.
Plot 1 to plot 2 ang grade sa Cadd kahit
tulog kayang mag DOTA.
·
THE MATHEMATICIAN – Taga compute ng Cost and
Estimate, taga gawa ng Pert and CPM at kung anek anek. Sya yung may pinaka
magandang Scientific Calculator sa inyong lahat at alam nya ang mga shortcuts
pag dating sa Formulas.
·
THE WIZARD OF OZ – Ito yung magaling mag magic.
Bigla biglang nawawala sa paligid, pag tumingin ka sa isang bagay at pag lingon
mo sa kinaroroonan nya bigla bigla nalang nawawala. Halos hindi mo na
makabisado ang mukha dahil minsan lang mag pakita. Ito yung tipo ng tao na
tinatawag mong “SI ANO” dahil hindi mo alam ang pangalan dahil nga parang hindi
sya kasali sa grupo.
·
THE COMATOSE
– Ah ito ang pinaka malupit sa lahat. Mas malupit pa ito kay the wizard
of oz. Dahil ito present nga pero dehins gawa, kasama nyo nga pero dehins
galaw. Mas matindi pa sa Zombie to kung
umasta. Parang kamoteng inaantay na mag kaugat ang pwet sa silya dahil buong
araw na hinahayaan lang kayong kumilos pero dehins tulong. Pero pag pasahan na
ng gawa kasama at nakangiti pang naka tingin kay Sir at Ma’am na parang
pinapakitang meron syang na iambag sa pag gawa ng thesis. Natural Kapal Muks - the Brand that you can trust…
THE JUDGEMENT DAY
Defense- the day that
you don’t wanna come. Although halos lahat ng estudyante ay ayaw sa Defense Day
dahil samu’t saring pakiramdam ang mararamdaman mo ito na yung araw na
huhusgahan na ang pinag puyatan mo. Sila Sir at Ma’am ay nakatitig sayo habang
nanginginig kang nakatayo sa harap nila. Papakinggan ka nilang ma bulol habang
sinasagot mo ang mga binabatong mga tanong nila kung bakit ganito at ganyan ang
naging outcome ng thesis nyo. Makikita mong ngingiti pag medyo sumablay ang
Ingles mo. Mapapakunot ang nuo habang binabasa nila ang wrong grammar na
paragraph nyo. Hindi nyo naman sila masisisi lalo na kung hindi kayo nag
papa-check on time ng draft ng ginagawa nyo. Ano ang ini-expect mo matuwa sila
sayo? Sinabi na ngang ang due date ay
ito pero bigla bigla may sarili kayong due date na sinusunod. Hindi maganda
yan. Kaya wag mag tampo kung sila Ma’am at Sir ay mainit ang ilong sayo.
Hall Of Fame
Congratulations dahil pag katapos ng Thesis nyo, Ipapa hard
bind nyo na. Gastos na naman pero ayos lang eto na ang huling stage at relak
relak na. At alam nyo ba pag maganda at smooth ang pag kakagawa nyo sa mga
thesis nyo magiging Example pa ng
susunod na batch. Tibaaaaay….
Sa mga nag te-THESIS... Good Luck sa inyo.. Kung lagi naman kayong nag papa-check ng gawa nyo WAK kayong kabahan dahil pag dating sa WEDNESDAY araw ng Defense nyo Yakang - Yaka nyo yan...
Tandaan a Santol a day keeps your doctor away.
No comments:
Post a Comment