Monday, February 6, 2012

GLOBE VOICE MESSAGE CALL...

(picture source: google.com)
May isang feature na namang pinapauso ang GLOBE ngayon na tinatawag nilang GLOBE VOICE MESSAGE CALL... Medyo astig to nung una kong ma try.. Pano nga ba to???


Glove Advisory: Call and say MAHAL KITA dahil isang piso lang ang Globe Voice Message. Call *034+11digit Globe/TM number of your friend (Ex. *03409171234567).... Sa txt na to ko nalaman ang tungkol dito, syempre na intriga ako kaya tinry ko.. ano namang masama piso lang naman daw eh humm... sinubukan ko nga.. 


1) dinayal ko yung numero ng gusto kong padalan ng message (siguro naman hindi mahirap para sayo yung instruction sa taas di ba??? Kampay tayo dyan)  .....  

2) Antayin ang tone at pagkatapos nun ay may magsasalitang Voice Prompt saying "Please Record your Message after the beep"... Dun mo na i-record ang Message mo..

3) After mong mag message may matatanggap kang mensahe galing sa Globe:

 " You have sent a Voice Message to 639171234567. P1/call

4) Makakatanggap ng Message ang pinadalan mo ng mensahe. Instruction on how to hear the voice message.

"Hi! I sent you a free Voice Message. Dial *03401 to hear it. 1st call is FREE. 

5) Pag pinakinggan  ng pinadalan mo ang Voice Message mag papadala sayo ng mensahe ang pinadalan mo thru Globe (note: that is a generated text at Pede din silang mag reply sayo by pressing zero after the message.)

" Hi! I heard your Voice Message.   TIP: Save the number of your friend using the format *034+11 digit Globe/TM number (Ex. *03409171234567). Mas madali mo na sila matatawagan, tipid pa!

Di ba ang dali??? And yes Piso lang kada padala ng Voice Message... Pag pinakinggan mo naman yung recorded message na pinadala sayo ang unang dial mo sa *03401 ay libre for succeeding calls mo piso din ang charge. Ngapala pede kang mag record for 28 seconds kaya kung gagamitin mo ratratin mo agad.. Ika nga nila Don't spare the horses kung anong ibig sabihin nun ipag tanong tanong mo nalang sumakit din ang ilong ko eh....

 Malamang lang pag pumatok to sa takilya eh medyo mag mahal ng konti, kaya habang piso pa lang abusuhin na natin ang pag gamit. tutal mas ok naman sya di ba? But I don't highly recommend this though kasi minsan hindi sya nag wo-work.... So nung na try ko to once and it failed medyo hindi ako na satisfy pero siguro technical error lang naman yun, at siguro hindi naman yun madalas kaya pagbigyan nalang natin... So it's up to you to try it and see how it works. Okay naman sya so far... Ngapala if you will use it on Valentines wag maiinis pag medyo palyado dahil sa volume ng text message sa network..... Ayos????






1 comment:

  1. yes,,til now, hindi nareretrieve yung voice msg. ng isang call lang,,nakailang beses ako,,bigla kcng ngeend call ng kusa..il support this kung consistent yung line..

    ReplyDelete