Saturday, January 28, 2012

DATE ON VALENTINES DAY. WHERE?? PART II

(Photo from google.com)
Nung nakaraan binigyan ko kayo ng TIPS kung saan pumunta sa Valentine's day.. Pero ngaun etong tip na to ay kung saan mo naman papakainin ang jowa mo.. Mga kainang Mura na,.. Marumi pa.... Este Masarap pala, masarap.. ehem..


First Stop:

A) Ma'annes (Di ko alam ang spelling hahaha) - Bakit lalayo pa kayo? eh abot paa nyo na? iba't ibang ulam at putahe sa murang halaga? Halo-halo at samu't saring specialty ang mabibili rito. Napaka popular nito sa University Belt sa Marcelino. Na try nyo na bang kumain dito? Ako hindi pa heheheh....


(photo from google.com)
B) Mang Tokneneng ni kwek kwek (sagwang pakinggan) - Wala talagang ganitong branch (sa tingin ko ha). Pero pag yumaman ako mag tatayo ako ng first ever branch nito sa likod ng TUP. Pangarap ko kasing mapatikim sa kapwa ko ang iba't ibang sauce na naiisip kong gawin para sa tokneneng. Strawberry flavor dip, Chocolate dip, Bayabas dip, at ang pamatay na WASABE dip.. Magkakaron din ng iba't ibang variety kagaya ng Fried Ampalaya, at Patatas shake. Pero enough of that, set aside muna natin ang plano kong pag papayaman.. Masarap namang pang treat sa syota ang Tokneneng. di ba? Mura naman kasi to sa halagang limang piso. Sa MOA sa bayside P30 ang isang basong Tokneneng at 2 piraso na yun pumapatak na kinse ang isa depende pa kung balot o penoy ang bibilin mo, pag kwek kwek naman P20 at 4 na pisaso. Ingat lang kayo sa pag papakain nyan sa mga syota nyo dapat bilan nyo din ng gulaman kasi baka naman sa sobrang excited nilang kumain ng tokneneng ay mabulunan.. kaya hinay hinay lang.

(photo from: journalnipopoy@tumblr.com. tnx dude)
(C) Isaw - Sa gabing madilim mo pa maibibili ang iyong iniirog ng ISAW. Kung ayaw nya ng ISAW, meron namang iba't ibang pika pika na pede nyang piliin. ADIDAS na may libreng sintas, BETAMAX na may libreng Hepa.. (biro lang), at FISHBALL na singkwenta ang isa.. Di pa ba kayo masaya nyan? Mabubusog ka na magkakasakit ka pa.... Kaya mamimili tayo ng bibilan pede ba??


Hindi natin maaalis na Mag inarte ang mga syota nyo sa araw ng mga puso. Kasi sa araw araw na pag pasok nyo nakatambad na sa mga paningin nyo ang bilihan ng mga naturang MURA NA, MARUMI PA na pagkaing nasa taas, Kaya kung kaya nyo naman ilibre nyo naman sila sa mga kainan na MASARAP NA, AIRCON PA.


(photo from: myguidemaster.blogspot.com THANKS!)
A) McDo - Sino namang may sabi na porke't Mcdo ay mapapamahal na kayo? Ano naman ang ginagawa ng mga coupons natin dyan? Sa panahon ngayon di pedeng di tayo magiging wais sa buhay. lalo na kung nag papa impress ka palang sa nililigawan mo. Ang coupon na ito ay makakatulong sa umiiyak mong bulsa pero syempre pa simple ka lang tol. Halimbawa sa halagang P50 makakatipid ka na ng bente sa Large fries at coke float pero ang problema pano mo didiskartehan ang syota mo na yun ang orderin nya? pede mo namang sabihing ganito. "Love dahil special ang araw na to may sorpresa ako sayo.. Bibilan kita ng Coke Float at Large Fries"  Sabay banatan mo ng "Dapat wag kang mag kakakain nito ng madalas.. Nakakataba yan, Okay lang yung paminsan minsan lang para naman ma maintain mo ang kaseksihan mo di ba love?."  Sabay ngiti at Segway sa usapan... Kung pano mo ise-segway problema mo na yan mag isip ka naman.. At ngapala kung maari nyong ayain ang mga syota nyo ng mas maaga sa mcdo ayain nyo na hanggang valid pa ang coupon nato.

(photo from: myhomeandfashion.com THANKS!)
B) Lots a Pizza - Kalasa naman nito ang Greenwich, mura pa. Pede pa kayong mag request na ipa Square Cut yung pizza na bibilin nyo para mag mukang marami. Depende sa size ng Pizza yung presyo pero syempre kung nag titipid talaga kayo try nyo yung all vegies o kaya yung Hawaiian para hindi kayo masyadong halata hehehe







Medyo bibitinin ko muna kayo sa mga tips na ibibigay ko.. May kailangan lang akong gawin sa ngayon. Stand By lang kayo dyan hindi pa tapos ang laban.. 

(to be continued....)








Wednesday, January 25, 2012

Date on Valentines Day? Where?

Malapit na naman kasi ang Love month kaya nauusong pag - usapan ang tungkol sa Dating.  Mahal kasi at hindi carry ng budget lalo na pag estudyante ka pa lang kung saan kayo mag de-date ng jowaers mo. Pero sa tingin ko kung hindi kasya ang baon mo sa gastos pero gusto mong mag date ng bowa o jowa mo ano namang masama kung mag lakad - lakad kayo sa luneta habang pinag mamasdan ang ibang mga magsing irog na nakahiga sa damuhan? Hahahaha...


Seriously wala namang masama sa ganoon pero tumingin naman tayo ng ibang lugar kung saan pede kayong mag WWHH (huh??? Ano yan??? Di ba HHWW Holding Hands While Walking?? ) [ano ba kayo hindi nyo alam ang WWHH? WAKA-WAKA HEI HEI. . di ba kanta yan ni shakira?? hehehe.. Biro lang.. bakit ba hindi ba natin pedeng baliktarin? Hindi ba pedeng mag WALKING WHILE HOLDING HANDS???] HEHEHEHE sige tama na kayo, talo na ako.. HHWW nga yun.. ang punto sawa na kayo sa luneta kasi isang tumbling lang andun na kayo. Bukod dun nahihiya na kayong makita ng mga classmates nyo sa parehas na lugar kung saan din sila nag de-date... Malay mo makita mo pa ang nanay at tatay nyo dun na nag eh-HHWW din?? hehehe... Brutal ko naman sige katulong o kaya kapitbahay nyo nalang.. 


    Wala din akong maisip eh.. Hindi naman kasi kami gala ng mahal ko.. (weh??) Pero try nyong pumunta sa:


A) Gubat sa Siyudad Resort - Kung may konting budget ka at naka-ipon ka naman nung last December galing mula sa pamasko galing sa Ninang o Ninong mo.. Pede kang pumunta dito, sa pag kakaalam ko dun daw yun sa Caloocan located in Bagumbong.. Kung sino man ang taga Caloocan sa inyo malamang alam nyo kung saan to. Resort to mga dude so mas okay kung marami kayong pupunta dito para masaya.. Bakit sino bang may sabing hindi pedeng magsama pag nag date sa feb 14? The more the merrier .Pero sa pag re-research ko hindi daw maayos ang facility dito? Humm last 3 years P170 daw ang Entrance fee dito magkano na kaya ngayon? Well tumingin parin tayo ng iba pang option.


B) Nayong Pilipino - Sa pasay  ito makikita dati puntahan ng Field Trip ng eskwelahan pero mukang napabayaan na ata ngayon.. Sayang ang ganda pa naman ng lugar na to, astig ang dating. Wala daw Entrance Fee pero kung may kotse ka may bayad ang parking.P30. Kung match box or remote control car ang dala mo wag mo ng ibayad wag mo nalang ipakita sa management para hindi nila ipa-park sa parking area ang dala mo hehehe.. Bukas to araw araw from 6 am to 6 pm. Ideal para sa morning exercise and picnics. Sarado ang ibang features pero merong Orchidarium, kung maayos ang panahon makakakita kayo ng iba't ibang uri ng Orchids dito.. Aba tamo nga naman hindi mo na kailangang ibili ng ROSAS ang GF mo sa Valentines pumitas ka nalang dun wag ka ngalang pahuhuli ng buhay  heheheh.... (Disclaimer: This information I gathered about Nayong Pilipino was not updated... It was based last August of 2011)


C) Ninoy Aquino and Wildlife Nature Center  - In Quezon City. Maganda sya at sulit ang pamamasyal mo kasi P5 pag Estudyante ka at P8 naman pag hindi ka Estudyante. Hindi lang sya basta park kasi partially parang zoo sya kasi may mga Animals na inaalagaan. Masarap mag Picture - Picture dito.May mga Bench din na pedeng upuan at pedeng mag picnic, may playground at may lagoon .. And by the way pag ka galing mo dito kung hindi pa pagod ang mga paa nyo pede nyo namang isunod ang...


D) Quezon City Circle - Alam nyo naman siguro kung saan to di ba? Ang pag kakaalam ko alang bayad dito. May mga Benches na pedeng upuan at may mga establishments na pedeng mabilihan ng ChiCha.. Kung nag titipid ka bumili ka muna sa mall ng pika - pika at saka ka dumeretso dito kasi mahal kung bibili ka sa mga maliliit na tindahan dun. Pede ka ding mag rent ng bisikleta, kung dalawa kayo ng jowa mo mag rent ka nung may Side Car para naman HHWB kayo (Holding Hands While Bisekletaing .... HAHAHAHA) 


E) Shoe Museum - J.P Rizal St. San Roque Marikina.. Malapit sa Marikina River Banks.. Papunta dun galing sa Marikina River Banks sasakay pa kayo ng Tricycle mga P30 - P50 ang pamasahe. Entrance fee is P50 per head. Kung ayaw mong mag bayad pugutin mo ang ulo mo kasi nga per head ang bayad dito. Wag ka ng mamelosopo kung saang parte kasi WHOLESOME tong blog na to wag kayong green department. Anyway Open yun from 8am to 5 pm ... Kung itatanong mo naman kung ano ano ang makikita dito malamang mga halaman at hayop... SYEMPRE SAPATOS.... Shoe Museum nga eh.. ano ke be.... Pag pumunta kayo dun ipasalubong nyo naman sakin yung World's Largest Pair of Shoe's na mas malaki pa sa sapatos ni Ronald McDonald...






Ayan ha.. Na tour ko na kayo sa maari nyong mapuntahan sa Valentine's Day.. Kaunti lang yan pero naman kung pupuntahan nyo yan ng sabay sabay sa Feb 14. Maawa naman kayo sa mga paa nyo. Kalyo aabutin nyo nyan.. At REMINDER: BAWAL ANG MAG CUTTING CLASS.. Hindi porke't Valentine's Day eh Special Holiday na, tandaan nyo lubog na ang Metro Manila sa baha pero ang TUP may pasok parin kaya wag na kayong umasa hehehehe... 




                                       HAVE FUN!!!!




Mag Tutuloy O Tatambay ka pagka - Graduate??









Malapit na ang graduation, ano na ang susunod mong plano? Maaring marami kang option pag ka graduate mo ng college. Andyan yung mag tatarabaho ka na, mag papatuloy ka sa pag aaral o ang malupit tatambay ka nalang.. Isipin mo sa mga taon ng pag-aaral mo napakasarap ng buhay kasi kain, tulog at aral lang ang ginagawa mo, hindi tulad ng mga magulang mo na kayod marino para  buhayin ka. Kung tatambay ka nalang pagkatapos mong mag tapos hindi ba parang nakakaawa naman ang Parents mo? (pwera nalang siguro kung sila na mismo ang nag sasabing "Anak Tumambay ka nalang okay lang yan Kering keri na naming suportahan ka all the way pag tanda mo... Aba ang swerte mo naman. Pede bang mag pa-ampon sa parents mo? Heheheh)


     So ano nga ba ang dapat mong gawin?? Okay lang sigurong tumambay kung hindi mo pa alam ang gusto mong gawin sa buhay mo.. Halimbawa: naguguluhan ka pa kasi hindi mo alam kung anong susunod na step ang gagawin mo? Kung mag tutuloy ka ba sa TUP ng Engineering o BTTE? O kung mag tutuloy ka sa ibang school gaya ng TIP. Pede ding stop ka muna kasi need mong mag work pang tuition sa ibang school. O stop ka kasi tutulungan mo ang Parents mong mag trabaho, tutulungan mo silang mag negosyo o aalagaan mo sila. Kung valid naman ang reasons mo ayos lang yun. Pero naman kung ang rason mo ay ganito ... para mag DOTA araw araw, TUMAMBAY sa house ng friends mo, manuod ng T.V maghapon at magdamag, matulog at kumain, mag hinguto araw araw (ano ba yun?)  aba baka naman next year di ka na makalabas ng bahay dahil hindi ka na kasya sa pintuan ng bahay nyo dahil tumaba ka na? Ingat lang..


    Masarap mag - aral.. Kahit pressure, puyat, gastos minsan lang yan eh. Kasi pag ka graduate mo at nag trabaho ka na. Mamimiss mo na yan. Pag MANONG at ALE ka na seryoso na ang buhay kasi hindi dapat umasa sa mga magulang habambuhay. Oks lang kung ayos sa kanila pero kung nakikita mong nahihirapan na sila makonsensya ka naman. Dapat i - value natin ang ating mga magulang kasi nag dadalawa lang sila sa mundo.. bakit nag dadalawa? sana na gets nyo hehehe..




   Isipin mo lang kung ano ba ang dapat mong gawin.. Hindi naman to Mechanics at Structural na gugustuhing lumabas ng utak mo sa bao ng ulo mo sa pag iisip.. Common sense lang to mga dude. Yung umupo ka lang at taimtim na mag isip kung pano na ang future mo this year pag ka graduate mo ganun lang yun. Ikaw na ang bahala kung saang lugar mo gustong umupo at kung ano ang uupuan mo para mag isip-isip.




   Tandaan mo minsan lang maging bata ang isang tao pwera nalang kung batang isip .... Malala na yun.. wag mong sayangin habang bata ka pa ayusin mo na takbo ng buhay mo para wala kang pag sisihan balang araw dahil pag tumanda ka na at magulo ang buhay mo ikaw din ang mahihirapan. Gusto mo ba yon??? ..... Ikaw....