Wednesday, January 25, 2012
Mag Tutuloy O Tatambay ka pagka - Graduate??
Malapit na ang graduation, ano na ang susunod mong plano? Maaring marami kang option pag ka graduate mo ng college. Andyan yung mag tatarabaho ka na, mag papatuloy ka sa pag aaral o ang malupit tatambay ka nalang.. Isipin mo sa mga taon ng pag-aaral mo napakasarap ng buhay kasi kain, tulog at aral lang ang ginagawa mo, hindi tulad ng mga magulang mo na kayod marino para buhayin ka. Kung tatambay ka nalang pagkatapos mong mag tapos hindi ba parang nakakaawa naman ang Parents mo? (pwera nalang siguro kung sila na mismo ang nag sasabing "Anak Tumambay ka nalang okay lang yan Kering keri na naming suportahan ka all the way pag tanda mo... Aba ang swerte mo naman. Pede bang mag pa-ampon sa parents mo? Heheheh)
So ano nga ba ang dapat mong gawin?? Okay lang sigurong tumambay kung hindi mo pa alam ang gusto mong gawin sa buhay mo.. Halimbawa: naguguluhan ka pa kasi hindi mo alam kung anong susunod na step ang gagawin mo? Kung mag tutuloy ka ba sa TUP ng Engineering o BTTE? O kung mag tutuloy ka sa ibang school gaya ng TIP. Pede ding stop ka muna kasi need mong mag work pang tuition sa ibang school. O stop ka kasi tutulungan mo ang Parents mong mag trabaho, tutulungan mo silang mag negosyo o aalagaan mo sila. Kung valid naman ang reasons mo ayos lang yun. Pero naman kung ang rason mo ay ganito ... para mag DOTA araw araw, TUMAMBAY sa house ng friends mo, manuod ng T.V maghapon at magdamag, matulog at kumain, mag hinguto araw araw (ano ba yun?) aba baka naman next year di ka na makalabas ng bahay dahil hindi ka na kasya sa pintuan ng bahay nyo dahil tumaba ka na? Ingat lang..
Masarap mag - aral.. Kahit pressure, puyat, gastos minsan lang yan eh. Kasi pag ka graduate mo at nag trabaho ka na. Mamimiss mo na yan. Pag MANONG at ALE ka na seryoso na ang buhay kasi hindi dapat umasa sa mga magulang habambuhay. Oks lang kung ayos sa kanila pero kung nakikita mong nahihirapan na sila makonsensya ka naman. Dapat i - value natin ang ating mga magulang kasi nag dadalawa lang sila sa mundo.. bakit nag dadalawa? sana na gets nyo hehehe..
Isipin mo lang kung ano ba ang dapat mong gawin.. Hindi naman to Mechanics at Structural na gugustuhing lumabas ng utak mo sa bao ng ulo mo sa pag iisip.. Common sense lang to mga dude. Yung umupo ka lang at taimtim na mag isip kung pano na ang future mo this year pag ka graduate mo ganun lang yun. Ikaw na ang bahala kung saang lugar mo gustong umupo at kung ano ang uupuan mo para mag isip-isip.
Tandaan mo minsan lang maging bata ang isang tao pwera nalang kung batang isip .... Malala na yun.. wag mong sayangin habang bata ka pa ayusin mo na takbo ng buhay mo para wala kang pag sisihan balang araw dahil pag tumanda ka na at magulo ang buhay mo ikaw din ang mahihirapan. Gusto mo ba yon??? ..... Ikaw....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment